Katarungang Pambarangay

- Oct. 02, 2025
Magandang araw, mga Kabarangay! Inaanyayahan po namin ang lahat ng taga Zone 2, Zone 3 at Zone 4 na dumalo sa ating Information Drive na gaganapin sa pangunguna ng Lupon Tagapamayapa ng ating barangay. Lugar : Mindoro St. corner Panay St. Petsa : Setyembre 13, 2025 (Sabado) Oras : 9:00 ng umaga Layunin po ng pagtitipong ito na magbahagi ng kaalaman tungkol sa proseso ng pagresolba ng alitan at hindi pagkakaunawaan sa ating barangay sa paraang mapayapa at makatarungan. Ito rin po ay magandang pagkakataon upang makapagtanong at mas maintindihan ang papel ng Lupon Tagapamayapa sa ating komunidad. Maraming salamat po!.