𝐏𝐀𝐌𝐀𝐒𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟓
- Nov. 05, 2025
𝐏𝐀𝐌𝐀𝐒𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐴𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑠𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑇𝑎𝑔𝑢𝑖𝑔 𝑎𝑦 𝑃𝑎𝑔-𝐼𝑏𝑖𝑔! Narito ang mga paalala at schedule ng pamimigay ng Pamaskong Handog ngayong taon sa inyong mga barangay. 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗦𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 • Ang bawat pamilyang Taguigeño ay makatatanggap ng Noche Buena package ngayong Pasko. • Ipresenta ang inyong ticket sa POSO officers upang makapasok sa distribution venue. 𝗡𝗢 𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗧, 𝗡𝗢 𝗘𝗡𝗧𝗥𝗬. • Asahan ang maraming tao sa venues. Lawakan ang pang-unawa at habaan ang pasensya. • Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga bata sa ating mga distribution venues para na rin sa kanilang kaligtasan. • Para sa mga pamilya na merong 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦, 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦, 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦, ihahatid ng pamahalaang lungsod sa inyong mga bahay ang inyong Pamaskong Handog simula Nobyembre 10, Lunes. Sila ang ituturing na head of the family para sa Pamaskong Handog. • Dahil inihahatid sa kanilang bahay ang Pamaskong Handog, hindi rin papahintulutan ang pagpasok ng mga 𝘀𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗰𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀, 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗱𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀, 𝗮𝘁 𝗯𝘂𝗻𝘁𝗶𝘀 sa ating mga distribution venues. • Ang mga ticket ay may kasamang security features upang madaling matukoy kung ang mga ito ay peke. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa at paggamit ng pekeng ticket. Ang sinumang mahuhuli ay kakasuhan at iba-blacklist sa mga susunod pang Pamaskong Handog. • Para sa katanungan tungkol sa Pamaskong Handog, maaaring magpadala ng mensahe sa 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗶𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝘀𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸 𝗣𝗮𝗴𝗲 (https://www.facebook.com/TaguigPamaskongHandog). Narito ang schedule ng pamimigay ng Pamaskong Handog ngayong taon sa mga barangay: 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗦𝗔𝗧𝗨𝗥𝗗𝗔𝗬) 01:00 P.M. - PITOGO HIGH SCHOOL #TaguigPamaskongHandog2025 #AngPaskoSaTaguigAyPagIbig #ILoveTaguig #TransformativeLivelyCaringCity.
